Sunday, September 22, 2019

WIKA: BIGYAN NG IMPORTANSIYA

Dapat nating pahalagahan ang ating sariling wika sapagkat ang wikang Filipino ay sumisimbolo ng ating kultura. Ang wika ay may mahalagang papel sa pang-araw-araw na buhay ng mga tao, hindi lamang bilang isang paraan sa komunikasyon, edukasyon, pagsasama at kaunlaran ng lipunan, kundi pati na rin bilang isang imbakan para sa natatangig pagkakakilanlan, kasaysayan ng kultura, tradisyon at memorya.

Kilala ang Pilipinas sa pagkakaroon ng maraming diyalekto at lengguwahe. Ngunit kung ating ipagdiwang ang Wikag Pambansa, tayo lang ay nakapokus sa wikang Filipino, dapat ay ating din pagtuunan ng pansin ang iba't-ibang lengguwahe.

“Ang hindi magmahal sa sariling wika ay higit sa hayop at malansang isda; kaya ating pagyamaning kusa, gaya ng inang sa atin ay nagpala.” Ito ang tanyag na katagang nagmula sa ating pambansang bayani na si Gat. Jose Rizal na nagbibigay kahalagahan sa wika sa buhay ng isang tao. Isang inspirasyonal na kataga at kapupulutan ng aral tungkol sa pagpapahalaga ng wika.

Nagsisilbi ding paalala ang pagdiriwang ng Wikang Pambansa. Sapagkat sa paraang ito inaala natin kung saan tayo nagsimula. Sa pamamagitang nito ay ipinapaalala at binibigay diin nito ang importansiya ng wika sa atin.

No comments:

Post a Comment

Resilience

COVID 19 came in unexpectedly. It affected more than a hundreds of thousands of people but most of them recovered from it. And behind every ...